Monday, November 14, 2011

You're 'Not Like Us'

Ang laki ng tuwa ko noong inabot ng kasamahang kong dyarista yong VIP pass ng Cinema One film festival. 

Ang ibig sabihin noon ay mapapanood ko ng libre ang Di Ingon Nato (Not Like Us) entry na pinaglalahukan ng idolo kong si Franco Reyes. Bokalista sya ng malupit na Franco band. Sya iyong asteeg mag-adlib habang sinasabi ang "One Love, Jah Love." 

Sa makatuwid, ang dahilan lamang kung bakit nais kong panoorin ang pelikula ay siya, si Franco. Obsessed fan girl ako. 

Excited ako nung tinext ko si Julie Pearl at sinabing masasamahan ko syang manood ng Di Ingon Nato! Ang kaibigan kong obsessed fan girl din, kahit hindi nya aminin. Yabang ko pa nung tinext ko, "May pass ako!"

Fast forward, nakarating ako ng maaga-aga sa Shang Cineplex kung saan lahat ng kalahok na pelikula sa Cinema One ay pinapalabas. 

Pila ako sa bilihan ng tiket. Julie asan ka na ba, dumating ka na, alas-sais magsisimula ang pelikula, 5:55 na! Lingon sa likod, baka andyan ka na... 

May nahaging yong mata ko, "bearded" man. BEARDED MAN! T*ngna, si FRANCO! Akalain mong napamura ako sa pila? Tawag kay Julie, "Dalian mo, Franco is here." 


(What happened to Julie upon hearing that? She braved the storm and forgot her headache.)

At ito na, kukunin ko na yong tiket ko at bibilhan naman si Julie, "Uhm, Miss (to the girl at the counter), I have this VIP pass..." Nasa kalagitnaan pa ako ng maarte kong speech ng ako'y tanungin: "Anong pelikula po?"


"Di Ingon Nato.."


Biglang, "Ma'am sold out na po. Kahit may VIP pass po kayo, hindi na rin namin kayo mabibigyan ng ticket." 

F*CK! Texted Julie, sagot nya: "F*CK SERYOSO?"

Olats, may VIP pass, walang tiket! Pero ano ngayon, habang hinihintay si Huli este Julie, ayon si Franco, kasama si GABBY ALIPE NG FRANCO AT NG URBANDUB, palakad-lakad sa harap ko. Sarap diba. 'Yong kahit ipikit ko ang mga mata ko, dama ko 'yong HOT na presensya ng idolo ko!


'Yong minumura kong ng "Gago" si Julie sa telepono, pagtingala ko naglakad si Franco sa harap ko. Dyahe di ba?! Naalala nya kayang ako 'yong fan girl na nagpakilala na sa kanya kamakailan? 


Haaay! Pumasok na sila ng sine at nanood ng Di Ingon Nato. 

Si Julie dumating. Hindi pa tapos ang fan girl moment namin! Lapit sa empleyado ng sinehan, "Uhm Sir, I have this VIP pass but the tickets were sold out already. I'm from the media and I really need to watch the film and its the last screening. But will you let us in so we can watch from the alley, standing." 

Sayang, eepekto na sana yong arte, drama at ganda ko kay kuya nang biglang nasilayan nya yong manager ng sine. "Ma'am, 'No standing rule' po kasi at baka mahuli kami."

Matapos kong magmakaawa wala pa rin kaming napala. 

Sayang surreal na sana, tipong out of this body experience, na mapanood ang pelikula kasama sa iisang sinehan ang bida na patay na patay ka! 

Kaso ang katotohanan, ang buhay ay sadyang malupit. Sabi nga nila, "So near and yet so far."

2 comments:

  1. haha, kasalanan nung manager!

    ReplyDelete
  2. Owgad habang binabasa ko hindi ko mapigilang ngumisi!!! Hahahaha nagbalik yung feeling ng pinaghalong dismaya at thrill:))

    ReplyDelete