'Yong maitapak ng sarili mong mga paa sa puting buhangin. Pero kailangan kong aminin sa ngayon na hindi pa ako nakakalubog sa tubig dagat. Mamayang maaga.
Toes on the sands |
Ngunit bakit nga ba ako nandito? Oo, sa maniwala ka at sa hindi, ako mismo parang ayaw kong maniwala, nandito ako para magtrabaho. Haha! Trabahong pasarap sa buhay.
Kasama ako sa media fam tour para sa Boracay Garden Resort. Nandito kami kasama ng iba pang manunulat sa dyaryo para maranasan at maisulat ang lahat ng naranasan sa aming mga pahayagan. Pero saka ko na yon mararamdaman kapag malapit na ang deadline. :) Uhm, ang lapit na ng deadline..
At ganon na nga. Nakakainggit ba na malaman na nakarating ako sa pinaka-sikat na tourist destination sa Pinas ng walang gustos? Lumipad at tumuloy sa magandang hotel, pinakain ng pinakin ng masarap na pagkain ng walang ano mang sentimong nilabas sa pitaka? Oo nakakainggit talaga kung iisipin. Pero sa totoo lang, ang katotohan, sinabi ng kaibigang kong reporter na si Anton delos Reyes, "The irony is, Lifestyle Reporters get to experience things they can't afford."
Haha. Couldn't help but nod. And that truth just makes me more thankful than I am already now. :)
Opportunities in life like this, you can't miss. These are the memories you'll always remember, "the firsts," ika nga!
Klasik. Paglubog ng araw |
P.S. Tatatak din sa isip ko na boring din dito sa Boracay. Haha. Para lang akong nagpunta sa mga sikat na bar strip sa Maynila (na hindi ko ginagawa at hindi ko naman masyadong ikinatuwa nung ginawa ko nga dito), pinagkaiba, nasa buhangin ito. Ang masaklap, 'yong komersyalismo, maari ring sabihing ekonomiya ng lokal na gobyerno, e sinisira na ang natural na ganda ng dagat.
Sana naman, ang mga tao dito at wag kalimutang pangalagaan ang kalikasan. Masayang maranasan pa ng ibang henerasyon ang ganda ng Boracay. :)
P.P.S. Next blogs would probably just be photo blogs. Abangan! :)
Mamaya, lalangoy na ako sa tubig dagat. Exciting! Tubig!!! :)
No comments:
Post a Comment