Thursday, September 9, 2010

Higit pa sa Rak en Rol!

Naalala ko noong kolehiyo pa ako sa PUP, maswerte ako na nagkaroon ako ng, yong propesor na para bagang sagot sa pangrap pangarap ng mga kolehiyala. Yong prof na bagets! Yong batang prof na bagets na lalaki! Yong prof na bagets na lalaki na kewl! Yong prof na bagets na lalaki na kewl at astig! At yong prof na bagets na lalaki na kewl at astig at ma-appeal! Samakatuwid, hindi ko sya naging 'crush.' Pramis, di ko naging kras si Sir Dekki, sadyang hinangaan ko sya, dahil bukod sa bagets, kewl at astig siya, isa siya sa mga guro na nagbukas ng kaisipan ko. Kumbaga, bahagi ng takbo ng pag-iisip ko ngayon, galing sa kanya. 

Aktibista si Sir Dekki. Isa siya sa iilang guro sa apat na taon ko sa kolehiyo na sa kadakilaan nila ay naimpluwensyahan at nagawa akong tarantado. Hahahahaha, pero hindi po ako tibak. Sadyang minsan, tibak lang ako mag-isip. 


At hayun na nga, si Sir Dekki din nagpapakilala sa akin ng bandang Datu's Tribe. 

Alam mo yon, akala ko dati astig na yong nakikinig ako sa rak en rol e. Pero simula nung napakinggan ko Datu's Tribe, alam ko tumaas na "standards" ko sa rak en rol at musika.  (Yong hinding hindi ko na magugustuhan si Justin Bieber o Super Junior, yaks!) Tapos, kanina (este kahapon, ibang araw na pala ngayon, nangyayari sa mga gising ng madaling araw, adiyes na pala ngayon, kaarawan ng aking ina, happy birthday ma!), nabasa ko napakahaba, as in ang haba talaga! ng sinabi ng Datu's Tribe. Bumalik lahat sakin lahat ng lektyur ni Sir Dekki sa klasrum kong may 'electric fan' pero hindi gumagana. 

Eto sabi ng Datu's Tribe (na susundutan ko na rin ng mga sarili kong kaisipan!)


First off, we're really not out to condemn other bands. Instead, we're asking all concerned (hindi lang mga banda) to critically assess and/or re-evaluate their perspectives. Though madaling mag-mention ng pangalan, we still shouldn't deny these groups the chance (no matter how remote in some cases) to realize how being rockstars in a screwed-up developing country carries a significantly more demanding set of responsibilities than, for example, being a rockstar in the United States would. 
Nakukuha kasi ng halos lahat yung "asta" ng mga foreign acts (mainly galing US, siempre) without realizing na hindi naman pwedeng yun na ang maging "be-all, end-all" pagdating dito sa atin for the simple reason na IBA ANG KONTEKSTO na kinapapalooban ng mga "artista" sa Pilipinas.
Sa tutoo lang, how can anyone with even half a conscience revel in a "sex, drugs, & rock'n'roll"lifestyle while an overwhelming majority of Filipinos wallow in poverty and continue to face a future without choices? Kung ang mga multi-million dollar corporations nga merong "corporate social responsibility" ek-ek, how can anything less be expected of bands/music artists who are supposed to be more "in-touch" with the hearts and minds of the millions who idolize them in the Philippines?
Siempre meron namang nagpa-participate sa mga cause-oriented gigs. Pero ang tanong, sumusuporta ba sila talaga sa isyung pinaglalaban sa gig o nakiki-gig lang ba sila?
Testingin natin: Kung lagi kayong kasama sa Aids Awareness gigs, gumagamit ba kayo ng condom at prino-promote ang paggamit nito? Kung may asawa, sa asawa niyo lang ba kayo nakikipag-whoopee pag tag-libog?  Kung lagi kayong kasama sa environmental awareness concerts, pinapayagan niyo pa bang magsiga ng tuyong dahon ang mga katulong niyo? Recycled paper ba ang inlay ng albums niyo? Kung human rights concert naman, bumibili o endorser ba kayo ng mga branded items na gawa ng mga child laborers sa mga multinational sweatshops sa kung saan mang sulok ng mundo? Nung naganap ang Ampatuan Massacre, naglabas man lang ba kayo ng fb status update na kumondena dito o nag-announce lang kayo ng gig sched at business as usual lang ulit? (sa makatuwid wag kang ipokrita!) 
To be fair, may ilang mainstream acts na naglalabas rin naman ng material intended to increase social awareness, kaso nga lang, the overwhelming point here deals with aspects of credibility and consistency. Pero bago pa kami magmukhang nagpapakabanal dito, kami mismo aamin na maski kami hindi papasa ng lubusan sa mga standards ng credibility and consistency na lumalabas sa diskusyong ito. On a personal level, mahirap talaga maging consistent at credible sa mundo ng showbiz (yes, nasa showbiz kami, haha). But as far as we're concerned, we DO endeavor to be true to the advocacies we want to represent - and I believe that THAT spells the difference for bands like us. (simple lang, aba siguraduhin mo namang totoo ka sa sarili mo! kumbaga, kung wala ka rin namang paninindigan, o may mga ibang bagay pa na nagtutulak sa'yo sa "advocacy" mo ika nga, aba'y mabuti pang wag na lang! let it be black, or let it be white, but not grey.)
Pero in the first place, kelangan bang gumawa ng explicitly tibak material gaya ng ginagawa ng mga tulad namin just to make a difference sa konteksto natin dito sa Pilipinas? Kahit itanong niyo pa kay Angelina Jolie, ang sagot ay HINDEH. (ang mga susunod na sinabi ng Datu's tribe ang talaga namang tumatak sa akin.)
Imagine nga natin: Ano ang naging impact kung nung multi-sectoral rally kontra Cha-Cha sa Makati biglang tumugtog ang Callalily? Ang Urbandub? Kung nung isa sa mga SONA ng Bayan sa panahon ni Gloria biglang tumugtog halimbawa ang Parokya o Bamboo? Kahit di na sila magsalita, their mere presence in these events would have been a clear statement to their combined millions of fans to think about why their idols are singing in such politically-charged, anti-administration events!
Taking it a notch further, what if during the coming Tanduay Rockfest biglang sabihin ito ng 6cyclemind:
"Gusto lang namin sabihin na sumusuporta kami sa pinaglalaban ng mga manggagawa ng Phil. Airlines! We also oppose the unfair labor practices that continue to go on within this Lucio Tan-owned company. Ay, nga pala! Siya rin ang may-ari ng Tanduay! Rakenrol!"
At segundahan sila ng Sandwich/Kamikazee/Chicosci:
"Ido-donate nga pala namin ang buong TF namin sa gig na ito sa lahat ng lung cancer patients sa PGH. Para ito sa mga nabiktima at naging adik sa mga produkto ng Fortune Tobacco!" 
Asteeg, di ba? At wala pa diyan yung mga mangyayaring media frenzy pagkatapos.
The thing is a lot of bands just get too caught up in the showbiz hype that commercial success generates. Many are idolized by millions, but the reality they offer is escapist and far removed from the harsh realities that millions of Filipinos continue to experience everyday. When your stars eventually fade, what will you leave to posterity besides your hit songs? Just adopt a "No problemo! Party time na!" ethic kahit patuloy na inaabuso't inaapi ang mga tao sa paligid natin?
(Ayun naman pala e. Wag na nating ilimita ang sarili natin sa usapang banda. Kung Pilipino ka, kahit ano pa ginagawa mo sa buhay, sana naman, kahit papaano, at ilang beses ko na ba tong narinig, napanood at nabasa kung saan-saan,- sa sarili mong paraan, maliit man o malaki, may magagawa ka naman para sa bayan diba. Ang pinagkaiba, bilang mga musikero na nasa "mainstream" ika nga, aba, tama ang Datu's Tribe. Dahil kayo ang mas may kakayahang maka-impluwensya, mas may responsibilidad din kayong kumilos para sa bayan. Educate. Influence. Inspire. I think what other bands are missing out is that fact that they already have, the medium, MUSIC! And Philippines is a music-loving country.)
I already mentioned before how it's always easier to resign ourselves to fate and refuse to get out of our comfort zones. But given the temper of the times? That's suicidal, to say the least. And there's no excuse for self-indulgence when millions of lives - past, present, and FUTURE - are at stake.
So, saan tayo mauuwi nito? Oo, may pangalan ang Datu's, but our heyday was in the 90s. Bands like most of the ones I mentioned above are, for better or for worse, the leaders of the NEW GUARD. Kayong mga banda kayo ang kasalukuyang may massive media clout, may access sa industry resources, at may pinakamatataas na fanbase sa eksena. Walang dahilan para matakot o mag-alangan kayo sa pagiging progresibo't pulitikal. On the contrary, yung mga tarantadong nagpapabagsak sa Pilipinas nga ang kailangang matakot IF YOU SUDDENLY DO DECIDE TO TAKE ON SUCH A CHALLENGE.
At para naman sa mga taga-suporta ng Pinoy Rock, siguro sa susunod na magkaroon kayo ng pagkakataong makausap/makasama/ma-interbyu ang KAHIT SINO PANG BANDA SA EKSENA, imbes na tanungin niyo kung ano ang ibig sabihin ng pangalan nila o kung kailan sila maglalabas ng susunod na album o kung sinangag o sinaing ba'ng gusto nila sa umaga, bulagain niyo sila. Ask something like:
"Ano'ng masasabi ng banda niyo sa magiging epekto ng education budget cuts sa libu-libong kabataang Pilipino na humahanga sa inyo?"
(Natuwa naman ako dito! Pramis, pag ako talaga may na-interbyu lang! HAHAHAHA! Humanda sila!)
MUSIC IS NEVER ONLY ABOUT ENTERTAINMENT. \m/@@\m/


At ayon! Di ba. Parang nasabi na lahat na wala na akong masabi! Minsan na nga lang ako magsulat, ginamit ko pa sinulat ng iba! HAHAHAHA. :D :D :D

Kung dati si Andres Bonifacio, itak ginamit; si Jose Rizal pluma at papel, si Efren PeƱaflorida kariton; si Manny Pacquiao kamao, aba, sa tingin ko ngayon, pwede nang armas ang gitara (acoustic, electric, bass, rhythm), tambol, at mikropono! Rak en Rol mga tsong! 

P.S. Sugarfree po ang pinaka-paborito kong local band, mabait po sila.  :D :D :D HAHAHAHAHAHA

No comments:

Post a Comment