Sa bukid, patag ang pilapil, tabas ang talahib, walang tanim na tubo, walang magsasakang kinamkaman ng lupa ng Hacienda Luisita, walang bakas ng kontrobersya, walang bakas ng kasakiman. Ang bukid, sadyang naiwan sa paglipas ng panahon, kinalimutan ng kaunlaran, hindi na kailanman natamnan. Isang lupaing malawak, kalawakang walang hanggan, isang kawalan.
Ngunit sa gitna ng kawalan na ito, ito rin mismo ang siyang "gitna." Ang bukid, malawak, sa ilalim ng langit, ay nayayapos ng buhay! Dahil sa palibot ng kawalan na ito ay isang komunidad ng mamamayang Pilipino. Ang parihabang bukid, sa bawat gilid, may kanya-kanyang hangganan. Sa bahaging silangan ay hilera ng mga kabahayan hanggang sa bandang likuran. Sa kahabaan ng kabahayan ay pansin ang prominanteng puno ng mangga. Mababa at mayabong ang mga sanga nito. Mayabang ang puno, takaw-pansin. Hindi maiwasang pamyistehan ng mga adik sa prutas. Pinagsasamantalahan ang walang humpay na pamumunga ng punong mangga. Sa kanlurang bahagi ay hilera muli ng kabahayan. Ngunit sa kalayuan ay matatanaw ang mga nagtataasang gusali sa mas sibilisadong bahagi ng siyudad. Dito rin sa bahaging ito mapapanood ng buong giliw ang paglubog ng araw.
Samantala, sa hilagang bahagi ay ang basketball court para sa mga manlalarong mambobola. At sa kaharap nitong kanluran, ay ang mga bahay na iskwater, nanliliit sa mga naglalakihang townhouses ng isang eksklusibong subdibisyon na itinayo sa gawing likuran nito. Tanging isang mataas na pader ang naghihiwalay sa lugar nila sa lipunan. Isang konkretong patunay na kung may mga nasa itaas, ay mas maraming nasa ibaba.
Ngunit ano man ang katayuan nila, naka-aangat, may kaya, o sadyang salat, iba-iba man ang putahe ng bawat pamilya, may nag-iisang pa ring sangkap na hindi mawawala. Ang bawat bahay ay may kinukopkop na bata.
At sa bawat batang iniluwal sa lipunang ito, ay nagtitipon-tipon, dito, sa bukid. At ang kawalan, unti-unting napupunan. Ang bukid, inihandog ang sarili sa mga kabataan.
Sa bukid, walang palaruan, ngunit ang mga kabataan, maligayang naghahabulan. Sa baku-bakung lupa, nadadapa at nagagasgas ang mga tuhod. Sa mga nagkalat na bato, sa mga ligaw na damo, sa alikabok at putik, naglalakbay ang mga maliliit na mga paa. Lahat ng larong pambata ay nasasabuhay pa rin dito sa bukid kahit na patuloy ang modernisasyon ng panahon. Iniwan muna ang mga PSP, Gameboy, Xbox, o video karera. Sa bukid, tumbang preso, luksong-baka, patitentero, langit-lupa, mataya-taya ang bida. Espesyal din ang buwan mula Pebrero hanggang Abril, mga panahong sagana ang hangin. Napupuno ng makukulay na palamuti ang langit. Mga saranggola, paparada sa langit, iba't ibang gawa, iba't ibang kulay, iba't ibang laki ng mga batang iba't iba din ang edad, laki at kulay. Pataasan ng lipad sa kalangitan, dagitan ng mga saranggola, kiskisan ng mga pisi, paunahang maabot ang mga ulap.
Dito sa bukid, sa panahon ng tag-araw walang limitasyon ang kasiyahan. Takipsilim lang ang pahinga. Isa-isa nang lalabas, maghahanap, at magtatawag ang mga ina ng kanilang anak. Oras na para umuwi. Hahalik ang dilim at magbabalik ang kalungkutan sa bukid. Ngunit huwag mangamba, muling sisikat ang araw. At ang mga bata, muling magbabalik, sa bukid.
Hindi rin mapapantayan ang papel ng bukid sa panahon ng tag-ulan. Sa urbanidad ng komunidad na ito, lahat ng kalat, basura, baha, na walang ibang matunguhan ay dito sa bukid ang bagsak. Pero sa mga ganitong pagkakataon, ang bukid na nagmukhang lawa sa gitna ng kabihasnang walang pakundangan sa kapaligaran, ay nagmimistula pa ring paraiso ng mga kabataan! Isang libreng palanguyan.
Kung maraming mang kumokwestyon sa dumi at sakit na maaaring mabatid sa paglangoy sa maduming tubig, meron pa ring mga magulang na hina-hayaan ang mga anak sa panandaliang saya ng paglangoy-langoy sa batis, lawa, o di kaya swimming pool! Hindi pa rin talaga mawawala ang mababaw na kaligayahan ng mga batang ito. Nagtatampisaw, lumalangoy, nagsasabuyan, naglalaro.
Ang mga bata, sa paglalaro ay malaya. Sa bukid, ang kanilang tawa ay tinatangay ng ihip ng hangin. Sa bukid, ang kanilang mga gasgas sa tuhod ay nagmamarka sa lupa. Sa bukid, ang kanilang mga laro ay magmumulto, sa oras na iwan na nila ang pagkabata.
Maghihintay pa rin ang bukid sa gitna ng lahat. Ang mga dating bata magkakaroon ng sariling pamilya, sariling anak. Isang bagong henerasyon na sa bukid matatagpuan ang kabiyak ng kanilang pagkabata.
*My fascination with old places, sparked with Rizal's El Filibusterismo's description of Old Manila, inspired me to write about this prominent spot in my village. Because indeed, everything changes. Years from now, this "bukid" may not be the same "bukid." That's why I'm freezing right now its purpose--IN words. This way, I can remember how this "bukid" became part of my childhood. (PERO HINDI AKO LUMANGOY SA BAHA HA! XD)

No comments:
Post a Comment