Saturday, February 19, 2011

Sa pagitan ng damo, langit, musika at saya

Pinaka-masaya talaga ang paghiga sa damong mabasa-basa mula sa hamog ng madaling araw at ang pagtingala sa kalangitang nagyayabang ang maliwanag na buwan. Ang tugtugan ng mga banda nasa background lang. Umuugong sa malayo ang tinig ng bokalista, tinatangay ng ihip ng hangin. At 'yong mga tawa at biruan namin ng aking mga kaibigan, 'yon ang mahalaga, 'yon ang bida. 

Hay eto na naman ako, mga tagpong pa-deep, nakaka-syet! Samantalang sa UP Fair lang naman ako nanggaling. Inilaan ang madaling araw sa musika at mga kaibigan. :) 

(Sayang wala ka Julie, mahal, ang kaibigan kong nagsimula ng tradisyon sa UP Fair.)

Pinasaya ako ng lubos nina Kim-Joy Javier at Xerlyn Joy Lanaza (not Brinces). Pinagpasensyahan nila ako sa kabila ng panghaharot, panunutil at pananakit na ginawa ko. Kagabi ko lang ulit nabuhos 'yong pagka-hyper kasi sila 'yong mga taong tanggap na tanggap na pagka-baliw ko.  

***
Tumugtog sa huling pagkakataon ang Sugarfree sa UP Fair. Sila talaga ang dahilan ng pagpunta ko sa fair. 

Ano pa bang masasabi ko? May simula at may katapusan. O mas tamang--may katapusan at may simula. Tapos na 'yong paglalakbay ng Sugarfree. Magsisimula na ang panibagong musika. Kagabi natanggap ko na rin sa wakas ang katotohanan. Paalam Sugarfree. 

Maiiwan pa ang inyong musika. Kapag narinig ko 'to sa radyo, makakanta ko pa rin ito ng buong puso. 

***
Sinubukan namin ni Lyn ang wall climbing. Masaya. Fulfilling makarating sa tuktok. Alas-kwatro na ng madaling araw noon, mahamog at madulas na 'yong pader pero tuloy pa rin. Exciting and thrilling and tiring! 

Sayang nga lamang at hindi ko na natapos 'yong "harder climb." Pagod na ako nung umakyat doon kaya hirap na akong iangat yong bigat ko. Pero natouch pa rin ako kay kuya na nagsusuporta sa harness ko. Ang sweet nyang magcheer. "Kaya mo yan ate," "Sige lang ate di kita bibitawan," at ang pinakapaborito ko, "Suntukin mo yong pader ate, murahin mo!" na malugod kong ginawa. 

Pakiramdam ko lang na sweet sya pero protocols lahat ng sinabi nya. Kyut nya, kras ko sya! :D

***
Okay din yong pagpiknik namin (ako, Lyn, Kym, at new friend Maget). Panira lang ng moment yong bandang Toyo. Pota Toyo talaga. Sa sobrang banas namin, nagwala kami at nagpaulan ng mura kahit ang layo layo namin sa stage. Muntanga lang. 

Samantala, hindi rin makaget-over sina Elvin, Paul, Kuya Carlo at Ayban sa bandang Toyo nung pauwi. Nahawa ata sila sa toyo! (Speaking of getting over, naka-getover na kaya si Kuya Carlo sa nadukot ng CP?)

Mabuti pa tatag na lang tayo ng HATE Club- "Toyo and bandang sabaw! Este sawsaw! Este sablay!" or something like that!

***
At dahil epal 'yong Toyo, nabanas na sina Cabring ng Datu's Tribe matapos mag-antay ng tatlong oras mula sa takdang oras ng set nila. Tatlong araw ng late ng tatlong oras tugtugan nila. Di ko tuloy narinig "Feelings."  

***
Lyn, turuan mo akong manipa sa mga lecheng nag-slam at nanggugulo sa harap natin. Hanga talaga ako sa pagkabrusko mo kahit na lagi ka pa ring bugbog sa akin. 

***
Till next year UP Fair.

***
Ayoko nang mag-isa.. Ayoko ng mag-isa! Ayoko ng mag-isa!!! Ayoko na, na, na, na yeaaaaah!!!!! Woooohhhhhhhhh!!!!!!! Yeaaaaaaaah!!!!!! ^^

3 comments:

  1. Love you! May Summer Slam pa naman (yata), dun ako babawi (kung hindi kupal si schedule)!

    ReplyDelete
  2. kups sked mo talaga! hmf! makakatikim ng batok sakin yang sked mo e!

    ReplyDelete
  3. yey! summer slam is the next date!

    eula, may career tayo sa wall climbing, ipagpatuloy natin, haha

    ReplyDelete